Once makareceived ng wedding invitation, kailangan po natin magreply kung makakaattend ba kayo. Once na mag confirm that’s the only time na magiging part po kayo ng official guest list. Official guest list, ibibigay po namin ito sa coordinator. Guest who are not listed on the guestlist will not be accomodated at the reception.
NO RSVP = NO SEAT. We will assign your seats to our coordinators so inirerekomenda namin na mag RSVP kayo on or before April 19, 2025 or you may contact and sabihan kami ahead of time. *Isang taon po namin itong pinaghandaan at pinagipunan. Wala po sanang mag sasabi na Pupunta pero Hindi. Para po yung mga willing makaattend ma invite din namin. TABLE, SEATS AND FOODS per pax babayaran parin po namin ito pumunta po kayo o hindi. Kaya po importante sa amin ang RSVP. Kung hindi po makakaattend please do inform us.
Once po lumagpas na ng final date sa paghingi namin ng RSVP, ay hindi na po namin kayo maiisama dahil nakafinal na po ang guest list sa aming coordinator at kami rin po ay nakapag invite na ng papalit sa inyo. Maraming salamat po sa pagunawa.