Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
October 29, 2020
Nasugbu, Batangas
#nararaPATkayTANYA

Patrick & Tanya

    IKAKASAL NA KAMI!
    FAQs
sunflowersunflower

FAQs

The Wedding Website of Ma. Tanya Richer C. Tayag and July Patrick R. Layugan
Malimit na mga katanungan. Magbasa muna besh bago magtanong. =)
Question

Kailangan pa bang tumugon sa RSVP?

Answer

Ay oo naman bes! Ipaalam agad sa amin ang iyong desisyong bago ang Oktubre 22. Kailangan namin ang iyong tugon para siguradong may mauupuan at makakain kayo. Pero huwag mag alala, may malapit namang Jollibee sa reception area. hahaha! Char! ONE TEXT AWAY LANG KAMI PARA SA INYONG RSVP.

Question

Um-oo na ko sa RSVP, pero sa kasamaang palad, ako o kami ay hindi na makakadalo. Anong dapat gawin?

Answer

Ang sad naman bes. =( Pero ganyan talaga ang buhay. Itext mo lang kami uli sa lalong madaling panahon para maibigay namin sa ibang bisita ang nakareserbang upuan para sa iyo/inyo. ONE TEXT AWAY LANG KAMI PARA SA PAGBABAGO SA IYONG RSVP.

Question

Tumugon ako ng "HINDI" sa RSVP pero nagbago ang isip at plano ko. Pwede na akong dumalo. Pwede pa ba?

Answer

Ang iyong unang pagtugon ay amin ng inilista at ang nakalaang upuan para sayo ay naibigay na sa iba pang bisitang nagparating ng kagustuhang dumalo. Salamat sa pang unawa. =) ONE TEXT AWAY LANG KAMI PARA SA PAGBABAGO NG INYONG RSVP.

Question

Anong oras ang simula ng seremonya?

Answer

Magsisimula ang seremonya eksaktong alas tres ng hapon, kaya naman agahan mo bes kahit 30 minuto lang. Mangyari lamang na isaalang-alang ang oras ng byahe at trapiko bilang sa Batulao pa ang aming destinasyon. BAKA MAUNA PA ANG MGA IKAKASAL SA SIMBAHAN MGA BES HA.

Question

Nais kong masaksihan ang kasal sa simbahan. Maaari ba akong dumiretso dun?

Answer

Mahigpit na ipinatutupad ng simbahan ang sampung tao lamang sa loob. Maaari mong mapanuod sa Zoom ang seremonya at maging bahagi doon. Siguradong aabisuhan ka kung kasama ka sa sampu. HUWAG TAYONG MAGPUMILIT AT BAKA HINDI MAKAPASOK ANG PARING MAGKAKASAL. hihi! Topic: #nararaPATkayTANYA Time: Oct 29, 2020 3:00 PM Join Zoom Meeting https://up-edu.zoom.us/j/86553205693?pwd=ZTZEdmxWVFF5WWd1NUFXNmVjTUY4dz09 Meeting ID: 865 5320 5693 Passcode: sunflower

Question

Pwede ba akong magsama? Para sure na hindi OP.

Answer

Ang bilang lamang ng upuan na nakalaan para sa inyo ay nabanggit sa inyong IMBITASYON. Ang upuan at espasyo sa reception venue ay limitado lamang kaya naman pili lang din ang aming kayang imbitahin. Salamat sa pang-unawa. =)

Question

Pwede ba akong magsama ng bagets?

Answer

Kami po ay humingi ng pang unawa na ihabilin muna sa inyong mga mahal sa buhay ang inyong mga bagets. SANA INYONG MAUNAWAAN, MGA BAGETS SA BAHAY MUNA AY IWANAN.

Question

Ano ba ang dapat isuot?

Answer

Sa mga babae, kahit anong bestida na mukhang Filipiniana ang dating. Maari din magsulot ng kulay na blue o silver na damit. Para sa mga lalake, kung kayang magbarong mas okay o kaya naman ay long sleeves o polo at slacks. IPAUBAYA NA NATIN SA IKAKASAL ANG KULAY PUTING DAMIT. Sa kasal mo na lang bes. haha. Huwag din po mag itim para good vibes na kulay muna. Bawal po ang maong, shorts at tsinelas.

Question

Anong oras ang simula ng salo-salo?

Answer

Ang lugar ng salo salo ay bubuksan bandang 5:45 ng hapon. Mayroon kaming inihandang tusok tusok at simpleng merienda para sa inyo habang kami ay inyong inaantay mula sa aming post-nuptial pictorial. I-enjoy niyo po muna ang magandang tanawin at magpicture-picture.

Question

Anong oras ang tapos ng programa?

Answer

Ang programa ay inaasahang matapos ng alas-otso ng gabi. May curfew kasi sa Cavite ang mga pagdiriwang. Let's EAT and HAVE SOME FUN! Please... pagbigyan mo na kami sa konting oras na ito. PROMISE! Susulitin natin ang bawat minuto! Marami kaming inihanda para sa inyo!

For all the days along the way
About ZolaGuest FAQsOrder statussupport@zola.com1 (408) 657-ZOLA
Start your wedding website© 2025 Zola, Inc. All rights reserved. Accessibility / Privacy / Terms