Walong bilyong tao, siya ay aking nakilala. Nung una ko siyang nakita, alam na agad ng aking mga mata. Dahil nang kami ay naging magkasintahan, Wala na akong iba pang pagaalinlangan. Dumaan pa ang mahabang panahon, akin namang napagpasiyahan. Dahil, bigla nagkayayaan sa isang pasyalan Habang sya ay nalilibang, doon ko naisipan na lumuhod at hilingin syang makasama sa dulo ng walang hanggan. Dali dali naman syang nagulantang, pero, tinanggap nya ng buo puso ang kasalan. -Tupe ------------------------------------------------------------------------------- Nagsimula ang lahat sa isang pagkikita, na tila animo'y araw na itinadhana. Nanalangin kung ito na nga ba talaga, ang taong sa aki'y itinadhana. Hindi naging madali ang aming simula, ngunit nanatiling nakakapit sa pangakong pagmamahalan. Haharaping magkasabay ang walang hanggan, sa harap ng Panginoon kami'y magiging isa. -Ging