Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Hero Image
flourish

Odine Raphael

and

Golda Meir

#OdineFoundHisGold

March 28, 2026

St. Gregory the Great Cathedral, 1:00 PM

Hatid sa Panghabang-buhay

Sa opisina nagsimula ang kwento ng tadhana, Sa pagitan ng papeles at amoy ng kape sa umaga. Tahimik lang ang mundo, walang espesyal na kulay, Hanggang isang ngiti mo ang nagbigay ng bagong buhay. Nang maskara’y alisin mo, tila oras ay huminto, Parang lahat ng ingay biglang naglaho sa paligid ko. Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng damdamin, Basta’t alam ko sa puso—ikaw na ang hihilingin. Sa simpleng sabay-uwi nagsimulang mangarap, Bawat gabi’y ikaw ang dahilan ng aking pagharap. Hindi ko binibilang ang gasolina sa daan, Kung kapalit ay kamay mong aking mahahawakan. Bawat kilometro’t liko sa landas na tinatahak, Investment ko sa pag-ibig na hindi matitinag. Hindi ako napapagod kahit malayo ang uwi, Kung sa dulo ng daan ay ikaw ang ngiti. Noon, luto mo ang hinahanap ng aking panlasa, Ngayon ako na ang nagluluto sa ating munting mesa. Sunog man ang ulam at magkamali man ako, Tawa mo pa rin ang nais kong marinig sa mundo. Isa akong engineer na sanay sa plano at sukat, Pero sa piling mo natutong magmahal nang tapat. Hindi lang bahay ang nais kong itindig, Kundi pamilyang buo sa pag-ibig na tahimik. Hindi lang pader at bubong ang pangarap kong likhain, Kundi tahanang may yakap na walang iwanan sa hangin. Kung buhay ay proyekto na kailangang buuin, Ikaw ang blueprint na habang-buhay kong pipiliin. Dati’y hatid-sundo kita pauwi sa inyo, Ngayo’y ihahatid kita sa panghabang-buhay na tayo. Mula sa kalsada patungo sa altar ng pangako, Hindi na pansamantala—kundi ikaw at ako.

Footer image