Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
trees

MICO

&

MARISOL

#walangSOLianMICO MARISOLmadeMICOmplete

May 5, 2026

San Agustin Malabon City

Naniniwala ka ba sa SOULMATE?

MICO found his SOuLmate

Ma rerealize mo pala na kapag nakilala mo na ang soulmate mo kapag naramdaman mo na konektado sya saiyo, Sobrang natural lang yung pagkakatugma tugma ng paniniwala , layunin , pangarap pati sa paraan kung paano ka mag isip. Para bang ikaw yun pero sa ibang katauhan May kapayapaan, kaginhawaan at hindi ka natatakot na maging ikaw. Dahil alam mong kahit saang aspeto ay mauunawaan ka nya. Nagsimula kami sa simpleng magkaibigan. Hanggang sa naging mag secret on dahil parehas kaming nahihiya na hindi naman kami nag uusap pero kami na pala, Pero bigla na lang kami hindi nag usap. hanggang sa lumipas ang panahon. Dyos na mismo ang gumawa ng paraan para maging buo ulit kami. " Love is sweeter the second time around " ang naging couple qoute namin. Mas sweet sa isa't-isa , Mas matapang at mas may pangarap kesa noong una. Mas naging responsable hindi lang sa buhay kundi sa damdamin ng bawat isa. Parehas naming gusto ang camping , mag rides , parehas kaming mahilig sa dagat , parehas naming gustong gusto ang tunog ng ulan. parehas kami ng naiisip na kakainin , parehas rin kami ng paboritong kulay. Iisa lang ang puso at isip namin. Hindi kami perpekto dumadaan kami sa pagsubok , May luha rin sa loob ng 8 taon namin. Pero ang mga pagsubok na yun ang humubog samin bilang isang tao. Nagpapasalamat kami sa Dyos dahil hindi nya kami binigo sa plano nya para samin, Ang tanging ginawa lang namin ay nagtiwala at naniwala. Nagpapasalamat rin kami sa mga taong naka saksi sa pagmamahalan namin , Alam kong alam nyo kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Hindi ito ang typical na love story narration dahil ang pagmamahalan namin ay pribado ngunit hindi sikreto.

Footer image