Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
June 24, 2026
Lungsod ng Malolos, Bulacan
#ANNIElaankayMAC

Inaanyayahan ka namin!

Watercolor BrushstrokeWatercolor Brushstroke

FAQs

Question

Kailan ko dapat kumpirmahin ang aking pagdalo?

Answer

Amin pong lubos na ipagpapasalamat kung kayo po ay makakapagkumpirma hanggang ika-15 ng Mayo, sapagkat sa sa mga oras na iyon ay amin nang isasaayos ang kabuuang listahan ng mga bisista.

Question

Maaari ba akong magsama ng isa pa?

Answer

Naiintindihan namin na mas masaya kung may kasama, ngunit dahil sa limitasyon sa badyet at espasyo, hindi na po namin kayang tumanggap ng karagdagang bisita maliban sa mga partikular na nakapangalan sa imbitasyon. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

Question

Anong oras dapat ako dumating para sa seremonya?

Answer

Ang seremonya ay gaganapin sa ika-9 ng umaga. Maaari lamang po na magpunta tatlumpung minuto bago ang itinakdang oras sa simbahan upang makahanap ng mauupuan.

Question

May mga paradahan ba sa pagdarausan?

Answer

Opo, may mga paradahan sa simbahan at sa lugar ng salusalo.

Question

Maaari bang magsama ng bata?

Answer

Ikalulugod man naming makita ang inyong mga supling, ngunit napagpasyahan naming gawing ekslusibo para sa matatanda ang aming kasal, maliban sa ilang miyembro ng pamilya. Hinihingi po namin ang inyong pag-unawa na tanging ang mga bisitang nakasaad lamang sa pormal na imbitasyon ang inyong isama.

Question

Anong regalo ang dapat kong dalhin?

Answer

Ang inyong pagdalo sa aming kasal ang pinakamahalagang regalo na maaari naming matanggap. Kung nais ninyo kaming handugan ng regalo, ang regalong pinansyal at kagamitang pambahay ay lubos na makakatulong sa pagsisimula ng aming buhay bilang mag-asawa. Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.

Question

Maaari ba akong kumuha ng mga litrato?

Answer

Kami po ay nakikiusap na itabi muna at iwasan ang pag-gamit ng mga gadyet sa mismong seremonya ng kasal. Nais po namin na samahan ninyo kaming damhin ang espesyal na okasyong ito sa aming buhay. Kami po ay may mga nakatakdang mga magagaling at propesyunal na litratista upang makuhanan ang mga detalye ng kasal, ipaubaya po natin sa kanila ang pagkuha ng mga litrato. Ang mga ito nama’y malugod naming ibabahagi sa inyo. Samantala, sa salu-salo naman ay maaari na kayong gumamit ng gadyet at kumuha ng mga litrato hangga’t nais ninyo.