Pareho kami malapit sa mga bata. Pero, sa tingin namin ay wala pa silang alam sa kung ano ang kahalagahan at kahulugan ng okasyon sa importanteng araw para sa aming mag-asawa. Ang mga batang kasali sa entourage lang sana ang aming pinahihintulatan.
Umaasa po kami na kayo ay makakadalo sa seremonya ng kasal sa simbahan. Magsisimula ang paglalakad ng entourage 10-15 minuto bago mag 10:00 am upang masimulan ang seremony ng eksaktong 10:00am. Mag maganda po sanang dumating kayo 30mins before ng seremony, para makapag pahinga pa kayo, makapag picture picture at makapag libut-libot.
Mas gusto po sana naming naka focus kayo sa seremony at program para sabay-sabay nating maramdaman ang solemnity ng seremony. May mga kinuha naman ang ikakasal na mga professional videographer at photograper. Ngunit kung nais niyo pong gumamit talaga ng gadget, kami po ay nakiki-usap na siguraduhing hindi ito makakaabala sa seremonya, sa bride and groom kasama na ang photograher at videographer na kinuha na mga ikakasal. Kung kayo naman ay mag po post sa social media, mas maiging i-tag ang couple at gamitin ang kanilang opisyal na hashtag, #JULIEfoundherdistCHANny.
Hinihikayat po namin ang lahat na kumain ng almusal (heavy breakfast) bago pumunta sa simbahan. Sa Reception area ay may nakahandang paunang pagkain at inumin para sainyo. Bibigyan kayo ng signal ng host kung pwedi ng umpisahan ang pagkain. Paalala na ang tanghalian ay hindi magsisimula sa oras ng inyong kinasanayan, kaya hinihikayat namin kayong mag-almusal ng marami at tikman ang aming paunang pagkain upang maiwasan na kayo ay magutom.
May mga nakalaan kaming lamesa para sa mga kasali sa entourage at sa aming mga immediate family. Maliban diyan ay maari na po kayong umupo sa iyong pinaka komportableng pwesto. Maaring sa mga lamesa sa gitna kasunudon ng VIP tables, or maari din sa long table na aming ilalagay sa isang bahagi ng reception.
Hindi naging madali ang paghahanda para maging maganda, masaya at matumpay ang aming kasal. Hindi lamang para saamin kundi maging para sa mga bisita. Kaya lubos naming ikakasiya kung kami ay inyong sasamahan hanggang matapos ang programa.
You're presence is the most precious gift. Masaya kaming makasama kayo hanggang sa dulo ng programa. Ngunit kung ang pagbigay ng regalo ay bukal at hindi magbibigay ng hirap sainyong kalooban, aming ikakasiya ang kunting tulong upang maumpisahan ang aming pinapangarap na bahay para sa aming binubuong pamilya.
- Magsuot ng pormal na damit na naayon sa kulay na sinabi. - Huwag maglalakad o tatawid sa pasilyo habang naglalakad na ang entourage lalo na ang bride. - Huwag harangan ng kahit ano ang videographer at photographer. - Manatili hanggang matapos ang programa. - Makibahagi at makisaya sa laro o mga gagawin sa programa.