Gustuhin man po naming anyayahan ang lahat na makidalo sa aming kaganapan ay bilang lang po ang upuan sa handaan, kung kaya tayo po ay mahigpit na nagpapatupad ng RSVP only policy. Salamat po sa inyong pag unawa.
Maaari po ninyong ipasa o sagutan ang RSVP na ito bago o sa araw ng pagsapit ng November 5, 2024. Salamat!
Mayroon naman pong mga paradahan na nakalaan sa mga panauhin sa simbahan at handaan. Maluwang naman po ang paradahan, paunahan lamang po sa pagparada. Salamat!
Ang inyo pong pagdalo ay lubos na naming ikagagalak. Kung gustuhin niyo man pong magbigay ng inyong mga regalo ay maaari pong salapi na lamang po upang hindi na rin po kayo mag abala pa sa pag intindi. Salamat po!