Loading
Loading
Loading
Loading
Loading
Loading

Desseree Ann & Timothy Andrew

    Tahanan
    Katuwang

Timothy Andrew

and

Desseree Ann

#PanataNiDesAtTim

February 28, 2026

205 days205 d21 hours21 h3 minutes3 min30 seconds30 s

Sa simula at wakas

Sa ilalim ng payong, doon ko siya unang iningatan.

"Nagsimula ang lahat sa isang payong — ‘di dahil sa ulan, Kundi sa araw na kay-init, ayaw magparaan. Isang munting alok, isang maikling sulyap, Sa silong na ito, may simula palang maisasaad. Sa ganda mo ako’y agad humanga, Ngiti mong matamis, sa puso ko’y tumama. Bawat araw, inaasam ang ‘yong presensya, Hanggang ang lihim kong damdamin, nabunyag sa tuksuhan ng barkada. Sa gitna ng biruan at tawanan ng ilan, Lalong lumalim ang ‘di inaasahang pakiramdam. Pinili kitang suyuin— may ngiti at panalangin, Dala ang pag-asa at tapat na damdamin. Hindi man naging madali ‘pagkat sa bawat hakbang palapit, Pagtanggi ang sumasalubong sa aking pag-ibig. Ngunit ako’y nanatili — hindi nagmadali, Palibhasa’y sa’yo ko nakita ang pag-ibig na kaya kong hintayin, ipaglaban, at alagaan. Nang ika’y mapasagot ng “oo”, tila ako ay lumipad, Parang panalangin na sa wakas ay tinupad. Sino’ng mag-aakalang dating pangarap lamang kita, Ngayo’y ikaw na ang mundo sa likod ng aking sigla. Maghihintay ako dito sa dulo ng pasilyo mahal, Ginugunita ang bawat sulyap, halakhak, at lihim na dasal. Sa bawat pintig ng puso’y pangalan mo ang sigaw – Ang aking sinta, aking silong, aking habangbuhay.” - Timothy Andrew "Nagsimula ang lahat sa isang simpleng sandali— Sa lilim ng iyong payong, sa gitna ng mainit tanghali. Isang munting alok ng kabutihan—tahimik, payak, at mapagkalinga, ‘Di inakalang sisimulan pala ng kwentong sa atin itatadhana. Sa gitna ng tukso ng iba at biro ng ilan, Ang lihim mong damdamin ay nabunyag sa aking isipan. Sa mga sulyap, sa mga sandaling tila walang saysay— Ngunit sa puso mo pala, ako ang tinatanaw. Sa halip na lumapit, pinili ang humakbang palayo, Hindi dahil sa kakulangan ng damdamin, kundi dahil sa takot na buo. Hindi pa handa ang puso kong sumuong sa unang pag-ibig, Kaya tahimik kitang tinalikuran, dala’y kaba at panimdim. Tahimik akong umatras, habang ikaw ay nanatiling tapat, Payapa kang naghintay, sa pagitan ng dasal at pangarap. Habang ang puso mo’y umaasa—marahan, totoo, Na sa tamang sandali, ako rin ay lilingon sa’yo. Sa aking bawat pagsilip ay nakita ang tibay ng loob at tapat mong hangarin, Palihim ka na palang nagiging tahanan ng aking damdamin. Unti-unti ay natibag ang pader ng takot sa pagitan natin, Sa aking paghakbang pabalik, akin ng tinanggap ang pag-ibig mong totoo at mariin. At ngayong haharap tayo sa bagong yugto ng ating paglalakbay, Hindi magdadalawang-isip—sapagkat ikaw ang tahanan ng aking “oo” at magpakailanman. Naghihintay na sa dulo ang lalaking minsang nakasalo sa silong ng kanyang payong, Na siya ring magiging aking lilim, aking tahanan, aking habangbuhay." - Desseree Ann

For all the days along the way
About ZolaGuest FAQsOrder statussupport@zola.com1 (408) 657-ZOLA
Start your wedding website© 2025 Zola, Inc. All rights reserved. Accessibility / Privacy / Terms