Ikinagagalak namin kayong anyayahan na tunghayan ang simula ng bagong kabanata ng aming buhay. Inaasahan namin ang iyong pagdalo sa pagdiriwang ng aming pag-iisang dibdib at pagsaksi sa aming paglalakbay tungo sa habambuhay.
3:30 pm - 10:00 pm
Maaaring dumating sa Crystal Beach Resort ng 3:30 ng hapon. Malawak ang resort kaya pwede pang maglibot ng kaunti. Magtitipon tipon para sa kasalan ng 4:00 ng hapon at diretso ng piging pagkatapos ng seremonyas.
Please enter the first and last name of one member of your party below.
If you're responding for you and a guest (or your family), you'll be able to RSVP for your entire group on the next page.
Isang binibining lumaki sa lungsod, kauumpisa lamang sa kanyang karera. Ang alab ng kanyang puso ay hindi magkukubli sa hamon ng bawat araw ng trabaho. Habang ginugugol ang mga araw sa pagpipinta at ang mga gabing kasama ang mga kaibigan, hindi naglaho ang pagnanais na tuklasin ang mundo at patunayan sa sarili ang kakayahang tumayo nang mag-isa. At para bang tinulak ng tadhana, ang kanyang hinahangad sa propesyon at ang mithiing maglakbay ay parehas naging abot kamay.
Isang ginoong tinatangay ng agos ng buhay, nagtatanong kung may pagtutunguhan ba. Hinahanap ang sarili sa pansamantalang kalayaan, nababahala kung ang lahat ng ito ay may hangganan. Habang hawak ang isang dalangin na baka sakali ay masumpungan ang pansariling kapayapaan. Hindi alam ang hinahanap, hindi alam kung ano ang hinihintay.
Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo ay nagtagpo ang kanilang landas, sila’y naging magkaibigan. Marahil ay dikta na rin ng tadhana, naging malinaw ang marami nilang pagkakatulad, maging sa musika, sa pagkain, sa laro, o sa sining. Ang mga dating tinatahak ng kanya-kanya, ngayon ay kanilang pinagsasaluhan na. Ang kalawakan ng dagat ang tunay na naglapit sa kanila. Sa piling ng mga alon, sa tahimik na kailaliman ng dagat ay natuklasan nila nang sabay ang isang bagong mundo sa bawat paghinga. At sa pagharap nila sa bukas ay kalakip ang pangako na hindi na sila nag-iisa.
Ipagpatuloy natin ang kanilang paglalakbay, kung saan hindi lamang ang lugar kundi ang pamumuhay ay sadyang banyaga. Hindi natakot magtanong, hindi nag-atubiling maglakbay, sabay nilang iniwan ang nakasanayan at hinarap ang malamig na kinabukasan. Ang tangi nilang dala ay tiwala sa isa’t isa, sa bawat liko ng daan, sa bawat pagsubok ng buhay. Hawak-kamay nilang tinahak ang ligaya at pighati, ang lungkot at pag-ibig. Laging baon ang pangako na hindi sila magkukulang sa isa’t isa, at kailanma’y hindi sila bibitaw. Sa ilalim ng bughaw na langit at simoy ng malamig na hangin, ito ang kanilang sumpaan. Ngunit hindi naman puno ng pagsubok ang kanilang lakbay. Sa bawat bagong lugar ay mayroong mga bagong kaibigan, bagong kwento, at bagong alaala. At sa pagdating ni Kali, ang liwanag at aliw ng pamilya, ay nabuo na rin sa wakas ang kanilang tahanan.
Huwag tayong magmadali, sapagkat hindi pa ito ang wakas ng kanilang kwento. Ang kanilang landas ang nagpapatuloy, hindi lamang dala ng tadhana kundi ay pinili at pinanday ng tiwala at pangako. Halina at maging saksi sa pagbukas ng bagong pahina sa susunod na kabanata ng kanilang pagsasama, hindi pa naisusulat ngunit tiyak na puno ng pag-ibig at pag-asa.
TAGAPAMAHALANG LINGKOD NG DIYOS G. Alfreo Pascual MGA MAGULANG Gng. Maureen Ava Florendo, Ina ni Erika G. Edgar Florendo, Ama ni Erika Gng. Cynthia Rosario, Ina ni Chito G. Johnny Faigmani, Tiyuhin ni Chito MGA NINONG AT NINANG G. Rizalino Florendo G. Reynaldo Rosario Gng. Maria Luisa Pecson G. Melvin Solomon Gng. Marion Agpoon Gng. Bella Ferancullo MGA ABAY Bb. Myka Ella Florendo - Binibining Pandangal G. Alfred Pascual - Piling Ginoo Bb. Bianca Mari Pecson - Tagapagdala ng kandila G. Rane Sanchez - Tagapagdala ng kandila Bb. Kimberly Florendo - Tagapagdala ng kordon G. Cris Guiral - Tagapagdala ng kordon Bb. Jillian Quimson - Tagapagdala ng belo G. Ian Lester Servillon - Tagapagdala ng arras MGA TAGAPAGDALA NG BULAKLAK Bb. Amari Castro Bb. Halley Gador-Sadie Bb. Micole Estrellas TAGAPAGDALA NG SINGSING G. Emiel Matthew Ragasa
Pastel na rosas, asul, dilaw, kahel, at lila
Pakiusap na huwag magsuot ng ibang kulay lalo na ang puti at itim.
Mga bonggang pastel na summer dress
Mga makukulay na beach polo at khaki na pantalon
Ipinagbabawal namin ang shorts at T-shirt
Filipiniana at barong
Pastel na luntian (sage green) para sa Filipiniana dress ng kababaihan, at ang barong ng mga kalalakihan ay pwedeng maikli ang manggas kung gusto at ang pambaba naman ay khaki na pantalon. Pwedeng tanggalin ang manggas o bolero ng kababaihan pagkatapos ng seremonya.
Pinakikiusapan po namin na iwasan magsuot ng takong.
Ang paglalakaran ay buhangin at ayaw naming may matapilok. Mas nais naming kayo ay maginhawahan sa pagdiriwang, kaya't lubos naming pinapayo ang pagsuot ng sandalyas na bagay sainyong mga summer dress. Sa mga kalalakihan, pwede kayong magsuot ng boat shoes o kaya ng itsurang birkenstocks para bagay sa inyong pantropikong itsura.
Hotel
Kapag nais niyong tumuloy sa Crystal Beach, padalan niyo lamang ng email ang Crystal Beach Resort Zambales at sabihin niyong bisita kayo ng Florendo-Rosario wedding para makakuha ng 10% discount sa gabi ng ika-17 ng Enero 2026. email: hello@crystalbeachresortzambales.com
House Or Rental
Inirerekomenda rin namin ang... Mula Beach Resort The Penta Beach Resort Para sa camping/glamping... Kū'ai Village Sands and surf Selah campsite and beach resort Maaari ring maghanap ng matutuluyan sa AirBnB.
Rental Car
Kung naghahanap kayo ng kasabay papuntang Crystal Beach Resort, maaari niyong tanungin si Chito at Erika ng maaga para matanong nila ang ibang bisitang babyahe rin.
Maaari kayong mag-RSVP hangang ika-17 ng Disyembre ngayong 2025.
Hindi siya nagpalit ng apelyido kaya ang pangalan niya pa rin ay Erika Florendo. Iwasan po nating tawagin siyang Mrs. Rosario.
Pakitingnan lamang po ang inyong imbitasyon kung kasama ang plus 1.
Nanghihingi kami ng paumanhin, subalit hindi po kami makakapagpaunlak ng mga bata sa piging na ito, maliban na lang kung sila ay espesyal na inanyayahan.
Ang kasal at piging ay gaganapin sa dalampasigan. Pinili namin ang buwan ng Enero upang mababa ang posibilidad ng ulan.
Sapagkat ang pagdiriwang ay sa buwan ng Enero, magiging mainit sa hapon at bahagyang malamig sa gabi. Maaring maghanda ng pandagdag na kasuotan nang naaayon sa panahon. Hindi namin inaasahang magiging maulan sa Enero ngunit mayroon po tayong lugar na masisilungan kung sakaling umulan.
Ipinakikiusap namin na HUWAG kumuha ng larawan habang ginaganap ang seremonyas ng kasal. Mayroon po tayong opisyal na pangkat ng mga photographers para sa sagradong pagdiriwang na ito. Nais naming makita ang inyong mga ngiti, at hindi ang inyong mga cellphone. Ngunit malaya kayong kumuha ng larawan bago at pagkatapos ng seremonya.
Mayroong nakalaang paradahan sa Crystal Beach Resort.
Para sa mga bisitang tumutuloy sa malalayong hotel, maiiging makapag-ayos kayo ng pribadong transportasyon ninyo. Mayroon kaming mga rekomendasyon sa hotel at resort malapit sa Crystal Beach Resort. Kung naghahanap kayong kasabay papuntang Crystal Beach Resort sa araw ng kasal, maaari niyong lapitan si Chito at Erika ng hangang Disyembre kung mahahanapan nila kayo ng kasabay.
Maaari niyong kausapin si Chito at Erika bago ang kasal. Ngunit sa araw bago ng kasal at sa araw mismo ng kasal, pwede niyong lapitan ang kapatid ni Erika na si Myka.
Si Erika malamang ;) ...
...